Sunday, August 31, 2008

Wala ako ngayon

Nabalitaan kong ako ay namatay... joke... de ales lang ako ewan ko kung kailan ako babalek o kung babalek pa nga ba... basta may ginagawa lang ako... babay, hanggang sa susunod... kung may susunod pa nga ba... sana meron

Friday, August 08, 2008

Isang Bala Ka Lang

Tuesday, July 29, 2008

Anu daw?

anu daw? "But he is not remember me?"

Monday, July 21, 2008

Weird Kapag May Lagnat

Noong bata pa ako, may napapansin akong kakaiba sa Nanay ko kapag nagkakasakit ako o ang mga kapatid ko. Napapansin ko rin to sa mga tiyahin ko kapag nagkakasakit yung mga pinsan ko. Meron silang mga pinaggaga-gawa na hindi ko alam kung bakit nga ba nila ginagawa. Eto tung mag yun:

1. Pinapainom ang may sakit ng Royal. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagpapainom ng Royal sa may sakit, kung may healing powers man ito ay sana sa may Cancer o may TB ito pinaiinom. Kung walang tindang Royal, Sprite o 7UP ang ipapainom nila. Kung wala ding Sprite o 7UP at Coke lang ang available sa tindahan, di sila bibile at tubig na lang ang ipaiinom nila sa may sakit. Ewan ko kung nakakalason ba ang Coke sa may lagnat kaya hindi sila bumibile. Kayat sa tuwing lalagnatin ako eh pinapanalangin kong maubos na ang Coke wag lang ang Sprite o 7UP, sayang din yun.

2. Ang Merienda ay Sky Flakes (Eto yung ka-partner ng Royal). Sa totoo lang eh hindi naman talaga ako mahilig sa Sky Flakes. Napapakain lang ako nito kapag may palaman o kaya ay kapag nagugutom na ako. Kung wala namang Sky Flakes (syempre palaging may back-up), yung Sun Flower Biscuits ang ipapamiryenda nila. Yung kulay orange na may asukal, at mas gusto yun kesa sa Sky Flakes. Pero malas lang at bihirang maubos ang Sky Flakes, siguro dahil hindi talaga to masarap kaya walang bumibile.

3. Agahan, tanghalian, hapunan - Isang mangkok ng mainit at umuusok na Noodles. Eto siguro kahit papaano ay may scientific basis kase pagpapawisan ka pagkatapos mong kumain nito. Lalabas daw ang init ng katawan, pero hindi yung bastos ha. Ang ipinagtataka ko lang eh kung bakit palaging chicken ang flavor ng noodles. Nakakapagpalala ba ng lagnat kapag beef o kaya chocolate(meron ba) ang flavor ng noodles? Hindi naman siguro di ba?
(Ngunit minsan hindi noodles ang meal, minsan eh sopas o kaya eh lugaw, pero sa'min ay malimit eh noodles ang nilulutot pinapakain.)

4. At ang pinakawirdo sa lahat ay ang mabilis na paggaling ng may sakit kapag katabi ang nanay (o tatay, bahala kayo) sa pagtulog. Palagi tong ginagawa ng nanay namin sa tuwing magkakasakit kami. Tatabihan niya kami sa pagtulog at paggising namin eh magaling na kami, kung hindi man at least feeling better na. Hinala ko nga date eh may superpowers ang nanay ko kase para siyang Kool Fever sa paghigop ng init namin. Talagang mapapasabi ka ng "kul en kompi" dahil sa superpowers niyang ito. At Pagmamahal daw ang tawag sa superpowers nilang yun.

Iyon lang naman ang napapansin kong weird. Ewan ko kung sa inyo nangyayari to pero dito samen, palagi.


Sunday, July 20, 2008

Random Questions (Tag)

Tinag/Nitag ako ni Ner, eto kapi en peys ko na lang ang rules and questions

The rules are simple. At the end of the post, the player tags 6 people and posts their names, then goes to their blog and leaves a comment, letting them know they’ve been tagged and asking them to read your blog. Let the person who tagged you know when you’ve posted your answer.

1. What was I doing 10 years ago? (1998)

Grade 3 pa lang ako nun, walang halung biro, sa Rizal Province kami nakatira, hirap ng buhay dun. Ang masarap lang eh malimit walang pasok, hindi ko alam kung baket palaging ganun sa school na pinasukan ko.


2. What are the 5 things on my to-do list today?

Ahhhmmm... di ako gumagawa ng "to-do list" at saka di naman ako gumagawa ng kahit ano, Juan Tamad kase ako.


3. Snacks I enjoy:

Matakaw ako. Hindi ako pihikan sa pagkain, kahit anu basta masarap at edible eh kinakain ko.


4. Places where I lived:

Mars, Pluto and Earth... joke lang, sa Jupiter lang naman. Batangas tas Rizal then Batangas ule.


5. Things I’d do if I were a billionaire:

Ay andale lang naman neto. Syempre unang-ana padadamihin ko pang lalo ang pera ko hanggang sa maging trilyonaryo o kung anumang tawag sa naryo naryo na yan. Tas babayayaran ko ang utang ng Pilipinas. tas yung mga mukhang-pera eh sasampalin ko ng pera. Tas ipamimigay ko pera ko sa mga mahihirap at nangangailangan, magtitira lang ako nang sapat para sakin.


6. People I want to know more are

.......................... hindi naman sa nagdadamot, sa totoo lang eh baguhan pa lang ako dito kaya konti pa lang nakikilala ko atsaka baka nakapagsagot na rin sila nito. Sori matigas lang talaga ulo ko.

Friday, July 11, 2008

I Feel Fine

I Feel Fine. Oo kanta din to ng The Beatles, di ba yung Hello Goodbye kanta din nila, eto kanta nila. Eto yung "Baby's good to me, you know,She's happy as can be, you know,She said so.I'm in love with her and I feel fine." Pero wala pa rin itong kuneksyon sa Beatles. Pero kung tatanungin mo ako kung kumusta naman ako pwedeng kong sabihing "I feel fine" o kaya kung ako ba ang nakaapak ng tae ng aso "I feel fine" pa rin ang sagot ko. Sa ngayon oo, medyo maayos na pero hindi pa rin naso-solb ng tuluyan ang mga problems ko. Sa work may konti pa rin akong pag-aalinlangan. Yung mga kamag-anak ko naman, ayun kupal pa rin sila. Ipinagmamalaki pa naman nating mga Pinoy ang ating tinatawag na "extended family". Oo, family oriented tayo, maganda yun. Pero minsan hindi rin, kase minsan mahirap pakisamahan ang mga kamaganak mo sa iisang bubong kase minsan nagkakaiba kayo ng mga opinyon at paniniwala. At kung masasama pa ang ugali ng mga kamag-anak mo eh talagang mahihirapan ka.

Sumabay pa naman itong pagtataas ng mga presyo ng kung anu-ano, paksyet talaga. Wala akong alam kung gaano ba talaga nakakatulong ang VAT at EVAT at ebak na yan. Pero kung ang pagtatanggal nito ay mas makakatulong sa mas nakararami, bakit ba hindi na lang subukang tanggalen.

Wednesday, July 09, 2008

Hello Goodbye

Hello Goodbye

Wala tong kuneksyon sa kanta ng The Beatles na Hey Jude Hello Goodbye. Sa totoo lang may gusto akong sabihin pero hindi ko maisip kung paano ba sasabihin. Kung sino sa inyo ang may labis na utak at gustong i-donate, kung pwede lang sa'kin nyo na ibigay.

Ang gusto ko sanang sabihin ay SALAMAT sa magandang pagtanggap sakin dito sa blogosperyo, sa inyong lahat salamat, alabsyuberigud! Trip ko lang magpasalamat, wag niyo nang itanong kung baket dahil sasabihin ko din agad.

Meron lang kasi akong problema, kaya sana wag niyo munang akong asahan na mapadalas dito. Pasensya na pero kailangan ko munang i-solb to. Sinusubukan ko na ngang i-apply ang sinabi ng kaibigan kong si Lyuwi eh. Medyo nagkasabay-sabay lang yung mga problema sa trabaho, kupal na mga kamag-anak at kung anu-ano pa. Oo kupal talaga mga kamag-anak ko, minsan nga wini-wish ko na lang kay Papa Jesus, at sa iba pang mga diyos at diyosa na sana eh ginawa na lang nila akong elepante. Kase yang mga elepante marunong silang magpahalaga sa pamilya, totoo yun, kahit tanungin mo pa si Kuya Kim.

Pero hindi pa ito pagpapaalam, babalik at babalik din ako. Anong malay niyo baka mamaya bigla na lang akong sumulpot at kumanta nang "I can see clearly now the rain is gone". Salamat ule, wag kayong mag-alala kaya ko to. Wag niyong isipin na nagjo-joke lang ako, seryoso talaga to. Salamat ule.